Araw-araw, Gabi-gabi
Sa paglalakbay ng puso kong litong-lito muli
‘Di ko inasahang madarama muli ang ligaya,
At ang tamis ng isang halik
Alam mo bang nagkaganito ako
Hindi mapalagay sa kakaisip ko sayo
Sa bawat sandali pinapangarap kong makapiling kang muli
Kung noon pa kita natagpuan
Kung noon ko pa naramdaman ang pag-ibig mo
‘Di na ako naghanap pa
Nabigo at nasaktan pa ng iba
Pwede bang sa’yo na lang ako
Ang puso ko’y umiibig ng totoo
Sa araw-araw mo’t gabi-gabi
Naaalala mo pa rin ang bawat sandali
Saan ka man ngayon
Hinahanap mo pa rin ang ligaya
Na nadarama natin
Alam mo bang nagkaganito ako
Hindi mapalagay sa kakaisip ko sayo
Sa bawat sandaling pinapangarap kong makapiling kang muli
Kung noon pa kita natagpuan
Kung noon ko pa naramdaman ang pag-ibig mo
Di na ako naghanap pa
Nabigo at nasaktan pa ng iba
Pwede bang sa’yo na lang ako
Ang puso ko’y umiibig ng totoo
Wag mo nang alalahanin kung paano na ito
Ang mahalaga’y mahal na mahal kita giliw koooo
Kung noon pa kita natagpuan
Kung noon ko pa naramdaman ang pag-ibig mo
Di na ako naghanap pa
Nabigo at nasaktan pa ng iba
Pwede bang sa’yo na lang ako
Ang puso ko’y umiibig ng totoo
Pwede bang sa’yo na lang ako
No comments:
Post a Comment