Gulat ako ng makilala kita
Natulala sa tinatagong ganda
Bakit di man lang kita napansin
Siguro Malabo lang paningin
Bakit nga ba dati rati walang kulay ang mundo
Tumingkad ang lahat ng dahil sa’yo
Saan sulok ka nga ba nanggaling
Ang puso’y sabik sa’yong pagdating
Kapag ika’y kasama
‘Di ko mapigilang tumawa
Ako’y tuwang-tuwa
Kahit magmukha pa akong ewan ay okay lang
Kay linaw ng paligid
Pag ikaw na ang kaharap
Walang gustong Makita kundi ikaw
Nagsimula lahat sa hi at hello
Nagkabanga na rin nagkasalubong
Parang di na makapaghintay
Na muli ikaw ay makasabay
O kalian nga ba?
Sana naman ay may pag-asa ako
Kapag inamin ko nadarama ko
Dahil hindi ko na palalampasin
Ang araw na malalaman mo rin
Kapag ika’y kasama
‘Di ko mapigilang tumawa
Ako’y tuwang-tuwa
Kahit magmukha pa akong ewan ay okay lang
Kay linaw ng paligid
Pag ikaw na ang kaharap
Walang gustong Makita kundi ikaw
Labo labo, ba’t di ko pa masabi
Labo labo, ba’t di ko pa masabi
Labo labo paano sasabihin sa’yo
At kung ikaw ay nakatawa
Ako pa ba ay nakikita
Nalilimutan ko ang itsura ko
Kapag kausap na ikaw
Sana naman ako’y pakinggan
Nang ikaw ay malinawan
Dahil nabihag mo ang aking paningin at damdamin
Kapag ika’y kasama
‘Di ko mapigilang tumawa
Ako’y tuwang-tuwa
Kahit magmukha pa akong ewan ay okay lang
Kay linaw ng paligid
Pag ikaw na ang kaharap
Walang gustong Makita kundi ikaw
Labo labo, ba’t di ko pa masabi
Labo labo, ba’t di ko pa masabi
Labo labo paano sasabihin sa’yo
No comments:
Post a Comment